Sa Tanauan, ramdam ng mga kababaihan ang pangangalaga ng Pamahalaang Lungsod – kaya naman sinimulan na ngayong araw ang 2-day Free Reproductive Seminar, Ultrasound at Pap Smear para sa mga Tanaueña na handog ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang Gender and Development Office – Tanauan City, Tanauan City Health Office at Tanauan City Coordinating Council sa pamumuno ni Atty. Cristine Collantes.
Inisyatibo ito ng lokal na pamahalaan ngayong Women’s Month Celebration upang mapangalagaan ang kalusugan ng ating mga kababaihan at ma-detect o maiwasan ang malalang karamdaman patungkol sa pagkaroon ng Cervical Cancer sa ating mga kababaihan.