Mas pinagandang Sabang Eco Park, hatid ng ating mga Tanaueña

Mas pagagandahin pa ng ating mga Tanaueña ang ating Sabang Eco Park dahil sa paglulunsad ng “Flora Juana” Planting Activity na hatid ng Tanauan City Women’s Coordinating Council sa pangunguna ni TCWCC President Atty. Cristine Collantes katuwang ang Gender and Development Office – Tanauan City, Tanauan Local Social Welfare and Development at Tourism Division.
Ang nasabing aktibidad ay inisyatibo ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang ating mga lider-kababaihan na simbolo ng kanilang pakikiisa sa mga programang hatid ng lokal na pamahalaan para sa bawat Tanaueña.
Samantala, ang “Flora Juana” ay inaasahang buksan sa darating na ika-15 ng Marso kasabay ng pagbubukas ng 2025 Women’s Mini Olympics.

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *