Tanauan City 2nd GAD Summit 2024
Category: Blog
Your blog category
-
Walang maiiwan sa VAW-FREE Tanauan!
Sa pagtatapos ng 18 DAY TO END VAW sa Lungsod ng Tanauan ngayong araw, nawa’y maging paalala ito na walang lugar ang karahasan laban sa kababaihan sa ating komunidad.
Pinapahalagahan at kinikilala natin ang karapatan at dignidad ng bawat kababaihan, tinataguyod ang kanilang kapakanan at pino-protektahan sa oras ng pangangailangan.
Hindi lamang sa araw na ito ang ating krusada, tuloy ang laban tungo sa isang #VAWFree Tanauan! #TuloySaKaunlaran -
Nagkakaisang kawani ng Tanauan Local Social Welfare and Development at Gad Tanauan tungo sa mas Maunlad na Tanauan!
Taos pusong pasasalamat sa dedikasyon sa serbisyong publiko ang ipinaabot ni Mayor Sonny Perez Collantes at Atty. King Collantes na kumatawan kay Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes sa ginanap na Year-end Evaluation Assembly ng Tanauan City Social Welfare and Development at Gender and Development Office.Naging paraan rin ito upang maibahagi ang iba’t ibang hakbang tungo sa mas epektibong implementasyon ng mga programa ng lokal na pamahalaan na mag-aangat sa pamumuhay ng ating mga mamamayan sa bawat komunidad.