2025 Global PRIDE Flag Raising Ceremony, pinangunahan ng Kerry Philippines at Tanauan LGU

Bilang bahagi ng makulay at makabuluhang pagdiriwang ng Pride Month sa Lungsod ng Tanauan, buong pusong nakiisa si TCWCC President Atty. Cristine Collantes bilang kinatawan ni Mayor Sonny Perez Collantes sa isinagawang Pride Flag Ceremony ng Kerry Philippines.
Sa mensahe ni TCWCC President Atty. Cristine Collantes, kaniyang pinasalamatan ang Kerry PH sa pagiging ehemplo nito bilang pribadong sektor na nangunguna sa pantay na pagbibigay-oportunidad at pangangalaga sa karapatan ng ating mga kababayang bahagi ng LGBTQIA+ community.
Aniya, ang partisipasyon ng Tanauan LGU sa aktibidad na ito ay isa sa mga gender-responsive initiatives ng Lungsod tungo sa isang inklusibo at ligtas na komunidad para sa lahat ng kasarian at sektor ng ating Lipunan.
Samantala, ang naturang aktibidad ay dinaluhan din ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor, kabilang na sina Her Excellency Ambassador Emma Hickey ng Ireland, Kerry PH General Manager Simon Hague, Philippine LGBT Chamber of Commerce President Ronn Astillas, PFIP Treasurer Atty. Lot Servidad, FPIP Assistant Vice President Jason Selas Alas, at iba pang kinatawan mula sa mga pribadong kumpanya na kaagapay sa pagsusulong ng adbokasiyang ito.
Muli, mula sa Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes, 𝐇𝐚𝐩𝐩𝐲 𝐏𝐫𝐢𝐝𝐞 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐡, 𝐬𝐚 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐤𝐚𝐛𝐚𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐢𝐲𝐞𝐦𝐛𝐫𝐨 𝐧𝐠 𝐋𝐆𝐁𝐓𝐐𝐈𝐀+!

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *