1st Tanauan Cityhood Bazaar, bukas na sa publiko

Bilang regalo sa ating mga Tanaueño ngayong 24th Tanauan Cityhood Anniversary, pormal nang binuksan ang 1st lanauan Cityhood Bazaar sa pangunguna nina Mayor Sonny Perez Collantes at TCWCC President Atty. Cristine Collantes katuwang ang Tanauan City Cooperatives and Livelihood Development Office.
Tampok rito ang mga Produktong Tanauan na gawa ng ating mga kababayan mula ibat ibang sektor tulad ng MSMEs, mga Kooperatiba, kababaihan, magsasaka at mga handicrafts na gawa ng ating youth organizations at Person Deprived of Liberty (PDLs).
Bukod dito, kasalukuyang naka-display rin ang Art Exhibit ng ating mga malikhaing Tanaueño tulad ng paintings, wood carvings at bonsai.
Kabilang din sa nakilsa upang pasinayaan ang nasabing aktibidad ay sina COUNCILOR CZYLENE T. MARQUESES at at 1Munti Partylist 1st Nominee Atty Rafty Garcia at mga kinatawanng loait ibang sektor.
Samantala, bukas ang Tanauan Cityhood Bazaar hanggang ika-10 ng Marso na matatagpuan sa A. Mabini Avenue, Poblacion 2, Tanauan City.

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *